Sunday, December 7, 2014

Rotary Club

Ala singko ng hapon, nagbabalak ng umuwi ngunit may natangap na tawag. Tuloy daw sila sa isang Rotary fellowship. Ayaw na sana sumama ngunit myembro nga pala sya ng Rotaract. Wala na rin syang nagawa agad sumakay sa sasakyan matapos na mahithit ang huling hits ng yosi. Kasama ang kanyang dalawang katrabaho at ang kanilang boss na mga kapwa myembro din ng nasabing organisasyon. Agad umalis ang sasakyan. Inis ang isa nyang katrabaho, kung bakit? Ito ay dahil sa nak kompromiso sya sa isang okasyon ng isa sa kanyang kapamilya at bukod pa doon ay kanina pa sya inaantay ng kanyang ama. Nauunawaan ni Robert ang mga nangyayari ngunit tulad nya wala ding magawa ang ni isa man sa kanila sapagkat kailangan nilang sumunod.

Mabilis ang takbo ng sasakyan, halatang galit ang nagmamaneho nito. Tahimik ang lahat, agad binuhay ni Robert ang kanyang pocket wi-fi upang maglibang sa facebook. Habang nasa byahe naguusap ang isang katrabaho at ang kanilang boss about sa credit card application. Bakit di ka magpa-increase ng credit limit sabi ng kanilang boss kay Bren. Agad naman itong nag isip at hiniram ang land line para tumawag sa credit card company kung saan sya naka subscribe. Mabilis na sumagot ang customer service  representative at agad ibinigay ang kanyang mga information. Pautal utal ito magsalita na tila ba hindi alam ang sasabihin. Hindi dahil sa hindi sya marunong kundi dahil sa boss nya na dumidikta sa kung anu ang mga sasabihin nya. Buong yabang syang nagrequest para credit limit increase ngunit mabilis ang naging paguusap hindi dahil sa naaprovan ang hiling nya kungdi dahil sa gulat at hiya niya ng matuklasan nyang wala pa naman pala syang isang taong naka subscribe  sa credit cart company na kanyang tinatawagan.

Malayo layo na rin ang kanilang natatakbo nang maalala ng boss nila na di pala nya alam ang venue kung saan sila pupunta. Agad itong nagtext kay kapitana isang myembro ng organisasyon na kanilang kinabibilangan.

Itutuloy...

Sunday, March 23, 2014

Blessing ng Sasakyan

Nagmamadali ang isang lalake na bumaba ng hagdanan isasam sya sa para ipablessing ang sasakyan ng isan nyang katrabaho. Ayaw nya sumama pero mapilit ang lalake at wala na din syang nagawa kungdi sumama kahit alam nya na madaming gawain pa ang iiwanan niya sa opisina. Nakatulog sya sa sasakyan sa sobrang pagod sa kaiisip ng mga problema na kakaharapin nya at mga pressures na nadarama nya. Dumating na sila sa bahay ng katrabaho nya at kinuha ang kotse na dinrive ng kanyang boss. Naiwan nya ang payong na dala nya dahil umaambon noon. Natapos na ang blessing at habang pauwi naagusapan ang mga problema, wala syang nagawa kungdi ang magbuntong hininga. Ilang linggo pa nya itong dadalahin. Umuwi ng malungkot at problemado..gustong matulog ngunit di nya magawa..nalilito at walang saya sa mukha na mababakas. Kumuha ng isang stick ng yosi at nagsimulang hithitin upang makabawans sa nararamdaman nyang stress.

I Must Rest Here a Moment

  I must rest here a moment, though the sky still burns, And the echoes of battle take their turns. The earth feels soft, though stained and...