Sunday, December 7, 2014

Rotary Club

Ala singko ng hapon, nagbabalak ng umuwi ngunit may natangap na tawag. Tuloy daw sila sa isang Rotary fellowship. Ayaw na sana sumama ngunit myembro nga pala sya ng Rotaract. Wala na rin syang nagawa agad sumakay sa sasakyan matapos na mahithit ang huling hits ng yosi. Kasama ang kanyang dalawang katrabaho at ang kanilang boss na mga kapwa myembro din ng nasabing organisasyon. Agad umalis ang sasakyan. Inis ang isa nyang katrabaho, kung bakit? Ito ay dahil sa nak kompromiso sya sa isang okasyon ng isa sa kanyang kapamilya at bukod pa doon ay kanina pa sya inaantay ng kanyang ama. Nauunawaan ni Robert ang mga nangyayari ngunit tulad nya wala ding magawa ang ni isa man sa kanila sapagkat kailangan nilang sumunod.

Mabilis ang takbo ng sasakyan, halatang galit ang nagmamaneho nito. Tahimik ang lahat, agad binuhay ni Robert ang kanyang pocket wi-fi upang maglibang sa facebook. Habang nasa byahe naguusap ang isang katrabaho at ang kanilang boss about sa credit card application. Bakit di ka magpa-increase ng credit limit sabi ng kanilang boss kay Bren. Agad naman itong nag isip at hiniram ang land line para tumawag sa credit card company kung saan sya naka subscribe. Mabilis na sumagot ang customer service  representative at agad ibinigay ang kanyang mga information. Pautal utal ito magsalita na tila ba hindi alam ang sasabihin. Hindi dahil sa hindi sya marunong kundi dahil sa boss nya na dumidikta sa kung anu ang mga sasabihin nya. Buong yabang syang nagrequest para credit limit increase ngunit mabilis ang naging paguusap hindi dahil sa naaprovan ang hiling nya kungdi dahil sa gulat at hiya niya ng matuklasan nyang wala pa naman pala syang isang taong naka subscribe  sa credit cart company na kanyang tinatawagan.

Malayo layo na rin ang kanilang natatakbo nang maalala ng boss nila na di pala nya alam ang venue kung saan sila pupunta. Agad itong nagtext kay kapitana isang myembro ng organisasyon na kanilang kinabibilangan.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

I Must Rest Here a Moment

  I must rest here a moment, though the sky still burns, And the echoes of battle take their turns. The earth feels soft, though stained and...